Wednesday, October 22, 2014

Dula

Ang dula ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos  at galaw ang kaisipan ng may-akda.

Elemento:

Iskrip o nakasulat na dula
-ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang 
is rip

Gumaganapo aktor 
-ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; silaang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba¶t ibang damdamin; sila ang pinanonoodna tauhan sa dula

Tanghalan
-anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag natanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silidna pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase

Direktor
-ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpretsa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraanng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip

Manonood

-hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanoodng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula¶y maitanghal; atkapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanoo

Kohesyong Gramatikal

Ito ay mga salitang tulad ng panghalip na nagkakawing sa mga salita, parirala at sugnay.
Ang paggamit ng mga panghalip upang humalili sa pangngalan ay tinatawag na pagpapatungkol.

1. Anapora
Ang elementong pinalitan ng panghalip ay unang nabanggit sa unahan ng texto o pahayag o panghalip sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalang binanggit sa unahan.

2.  Katapora
Dito, ang elementong pinalitan ng panghalip ay binabanggit pagkatapos ng panghalip na inihalili o ipinalit: panghalip na ginamit sa unahan ng texto o pahayag bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng texto o pahayag.

Paggamit ng mga Panuring sa Pagpapalawak ng Pangungusap

Ang panuring (modifier) ay maaaring pang-uri o pang-abay. 
Pang-uri ang panuring sa pangngalan, at panghalip; pang-abay sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.

Pangatnig


Ang pangatnig ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapwa pangungusap.

Dalawang pangkat ng Pangatnig:
1.  nag-uugnay ng dalawang magkatimbang na salita, parirala, o sugnay na kapwa makatatayong mag-isa.

(v at, saka, o, pati, ni, maging, ngunit, subalit, datapwat, pero)
At, saka, pati – ginagamit kung nais lamang nating idagdag o isingit ang ikalawang salita o parirala o sugnay sa nauuna.
      
Hal. Masustansyang pagkain ang prutas at gulay.

O, ni, at maging -  tinatawag na mga pangatnig na pamukod sa dahilang pinagbubukod nito ang mga kaisipang ating pinag-uugnay
      
Hal. Ni saktan ni pagalitan ay hindi ko ginawa sa’yo.

Ngunit, subalit, datapwat, bagamat, at pero – ay tinatawag  na mga pangatnig na panalungat. Sinasalungat ng ikalawang kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna.
      
Hal. Bata pa si Red subalit siya’y responsible na.

2.  nag-uugnay ng di-magkatimbang na salita, parirala, o sugnay.
Kung, kapag, pag, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, kung gayon, at sana
Kung, kapag, at pag – pangatnig na panubali.
      
Hal. Uuwi ako kapag kasama ka.

Dahil sa, sapagkat, palibhasa – nagpapakilala ng sanhi o dahilan; Tinatawag na mga pangatnig na pananhi

Hal. Palibhasa’y matalino, hindi nag-aaral sa Ben.
                
Kaya, kung gayon at sana – mga pangatnig na panlinaw; 0 ginagamit upang  bigyang –diin o linaw ang kaisipang hatid ng sugnay na di-makapag-iisa.
                        

Hal. Kung nag-aral ako, hindi sana ako bumagsak

credits to the owner


Modal

-ay ginagamit na pantulong sa pandiwang nasa panaganong pawatas. Mga modal ang tawag sa salitang DAPAT, KAILANGAN, at BAKA.

1. Ang salitang DAPAT ay nagsasaad ng sapilitang pagpapatupad ng Gawain.
Hal.
1.1 Dapat umiral ang katarungan sa isang bansang demokratiko.
1.2           Dapat sumunod ang anak sa payo  ng kanyang magulang.

2. Ang KAILANGAN ay nagsasaad ng ibig o gusto, isang tiyak na kilos o pagpapahayag  na maaaring magkaroon ng kundisyon o maaaring sapilitan.
Hal.
2.1 Kailangang magsikap kayo sa pag-aaral.
2.2 Kailangang magtulungan ang mag-asawa sa pagtataguyod  sa kanilang mga anak.

3. Ang BAKA ay nangangahulugang walang katiyakan ang bagay na ipinapahayag.
Hal.
3.1 Baka hindi ka makapagpatuloy ng pag-aaral.
3.2 Baka lumubha ang iyong karamdaman.

credits to: http://szhayne.wordpress.com/wika/modyul-3-4-modal/


Ano ang Pabula?

Ang pabula ay isa sa mga sinaunang panitikan sa daigdig. Noong ika-5 at ika-6 na siglo bago si Kristo, may itinuring nang pabula ang mga taga-India. Ang karaniwang paksa ng mga pabula ay tungkol sa buhay ng itinuturing na dakilang tao ng mga sinaunang Hindu, si Kasyapa. Lalong napatanyag ang mga ganitong kuwento sa Gresya. Si Aesop ang tinaguriang “Ama ng mga Sinaunang Pabula” dahil sa napabantog niyang aklat, ang Aesop’s Fable. Ang pabula ay isang maikling kuwentong kathang-isip lamang. Karaniwang isinasalaysay sa mga kabataan para aliwin gayundin ang magbigay ng pangaral.

Ang mga tauhan ng kuwento ay pawang mga hayop. Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian o paguugali ng tao. Ang ahas halimbawa ay karaniwan nang nangangahulugan ng isang taong taksil. Ang pagong, makupad. Ang kalabaw, matiyaga. Ang palaka, mayabang. Ang unggoy o matsing, isang tuso. Ang aso, matapat. Marami pang hayop ang may ibang pagpapakahulugan. Sa mga bagay naman, ang rosas ay kumakatawan sa babae at sa pag-ibig. Ang bubuyog sa isang mapaglarong manliligaw. Itinuturo ng pabula ang tama, patas, makatarungan, at makataong ugali at pakikitungo sa ating kapuwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito.

credits to: http://hannaleahrabang.blogspot.com/

Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula sa Korea

Ang mga hayop ay hindi lamang mga nilikhang gumagala sa kapatagan at kabundukan. Ang mga ito ay may simbolong ugnayan sa bansa at sa mga mamamayan nito. Sa Korea, mahalaga ang ginampanan ng mga hayop sa kanilang mitolohiya at kuwentong bayan. Ayon sa kanilang paniniwala, noong unang panahon daw ay may isang tigre at oso na nagnais maging tao. Nang bumaba sa lupa ang kanilang diyos na si Hwanin (diyos ng kalangitan) ay humiling ang isang tigre at isang oso na maging tao. Ang sabi ni Hwanin ay magkulong sa kuweba ang dalawa sa loob ng 100 araw. Dahil sa marubdob na pagnanasang maging tao ay sumunod sa ipinag-uutos ang dalawa. Pagkalipas lamang ng ilang araw ay agad ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa loob ng kuweba ang oso.
Pagkalipas ng 100 araw ay may isang napakagandang babae ang lumabas ng kuweba. Ang babae ay natuwa sa kaniyang itsura at kinausap muli si Hwanin. Nagpasalamat siya sa diyos at muling humiling na sana ay magkaroon siya ng anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang anak na si Hwanung (anak ng diyos ng kalangitan) at ipinakasal sa babae. Sila’y nagkaanak at pinangalanang Dangun. Si Dangun ay naging hari. Pinaniniwalaang dito nagsimula ang pagkakaroon ng simbolong hayop ang iba’t ibang dynasty sa Korea.

credits to: http://hannaleahrabang.blogspot.com/

Estilo ng Pagkakasulat ng Tanka at Haiku


Parehong anyo ng tula ang Tanka at Haiku ng mga Hapon. Maiikling awitin ang Tanka na binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na may limang taludtod. Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod: 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ay tatlumpu’t isang pantig pa rin.
Samantala ang Haiku ay mas pinaikli pa sa Tanka. May labimpitong bilang ang pantig na may tatlong taludtod. Maaaring ang hati sa mga taludtod ay: 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuang pantig ay labimpito pa rin.
Karaniwang paksa ng Tanka ay ang pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa. Ang paksang ginagamit naman sa Haiku ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig. Parehong nagpapahayag ng masidhing damdamin ang Tanka at Haiku.

credits to: http://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/filipino_9_lm_draft_3.24.2014.pdf

Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku

Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson

    Ang Tanka at Haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang Hapon. Ginawa ang Tanka noong ikawalong siglo at ang Haiku noong ika-15 siglo. Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
Ang pinakaunang Tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na tinawag na Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves. Antolohiya ito na naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang ipinapahayag at inaawit ng nakararami.

Sa panahong lumabas ang Manyoshu, kumawala sa makapangyarihang impluwensya ng sinaunang panitikang Tsino ang mga manunulat na Hapon. Ang mga unang makatang Hapon ay sumusulat sa wikang Tsino sapagkat eksklusibo lamang ang wikang Hapon sa pagsasalita at wala pang sistema ng pagsulat. Sa pagitan ng ikalima hanggang ikawalong siglo, isang sistema ng pagsulat ng Hapon ang nilinang na mula sa karakter ng pagsulat sa Tsina upang ilarawan ang tunog ng Hapon. Tinawag na Kana  ang ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay “hiram na mga pangalan.”

Noong panahong nakumpleto na ang Manyoshu,nagsimulang pahalagahan ng mga makatang Hapon ang wika nila sa pamamagitan ng madamdaming pagpapahayag. Kung historikal ang pagbabatayan, ipinahahayag ng mga Hapon na ang Manyoshu ang simula ng panitikan nilang nakasulat na matatawag nilang sariling-sarili nila.
    
Maikling awitin ang ibig sabihin ng Tanka na puno ng damdamin. Bawat Tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa naman ang pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig. Tatlumpu’t isa ang tiyak na bilang ng pantig na may limang taludtod ang tradisyunal na Tanka. Tatlo sa mga taludtod ay may tig-7 bilang ang pantig samantalang tig-5 naman ang dalawang taludtod. Nagiging daan ang Tanka, upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa ang nagmamahalan (lalaki at babae). Ginagamit din sa paglalaro ng aristrocrats ang Tanka, kung saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan naman ng ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang Tanka.
    
Gaya nga nang naipahayag na sa unang bahagi ng tekstong ito, noong ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga hapon. Ang bagong anyo ng tula ay tinawag na Haiku.
Noong panahon ng panankop ng mga Hapon sa Pilipinas lumaganap ng lubos ang Haiku. Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludturan.
    
Ang pinakamahalaga sa Haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o paghinto. Kiru ang tawag dito o sa ingles ay cutting.  Ang Kiru ay kahawig ng sesura ng ating panulaan. Ang Kireji naman ang salitang paghihintuan o cutting word. Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng bawat berso. Ang kinalalagyan ng salitang pinaghintuan ay maaaring makapagpahiwatig ng saglit na paghinto sa daloy ng kaisipan upang makapagbigay-daan na mapag-isipan ang kaugnayan ng naunang berso sa sinundang berso. Maaari rin namang makapagbigay daan ito sa marangal na pagwawakas.
     

Ang mga salita na ginagamit ay maaaring sagisig ng isang kaisipan. Halimbawa ang salitang kawazu ay “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol. Ang shigure naman ay “unang ulan sa pagsisimula ng taglamig.” Mahalagang maunawaan ng babasa ng Haiku at Tanka ang kultura at paniniwala ng mga Hapon upang lubos na mahalaw ang mensaheng nakapaloob sa tula.

credits to: http://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/filipino_9_lm_draft_3.24.2014.pdf

Ponema

-Ang pinakamaliit na unit ng  makabuluhang tunog.
-Ang pag-aaral ng ponema ay binubuo ng segmental at suprasegmental.
            
·         Segmental = ay ang tunay na tunog at ang bawat tunog ay kinakatawanan ng isang titik sa ating alpabato.
·         Suprasegmental = ay ang pag-aaral ng ng diin (Stress), tono (tune), haba (lengthening) at hinto (Juncture).


1.Haba
* ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat pantig.
* maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.
* mga halimbawa ng  salita:
         bu.kas = nangangahulugang susunod na araw
         bukas = hindi sarado
2. Diin
*tumutukoy ito sa lakas ng pagbigkas s isangpantig ng salitng  binibigkas.
*maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
*Mga halimbawa ng salita:
          BU:hay = kapalaran ng tao
          bu:HAY = humihinga pa
          LA:mang = natatangi
          la:MANG = nakahihigit; nangunguna
3. Tono
* nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap
* Tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at mataas na tono.
* maaaring gamitin ang blg. 1 sa mababa, blg. 2 sa katamtaman at blg. 3  sa mataas.
* halimbawa ng salita:
           Kahapon = 213, pag-aalinlangan
           Kahapon = 231, pagpapatibay
           talaga = 213, pag-aalinlangan
           talaga = 231, pagpapatibay                                
4. Hinto
*ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensahe.
*maaring gumamit ng simbolo kuwit( , ), dalawang guhit na pahilis ( // ) o gitling ( - )
* mga halimbawa ng salita:
           Hindi, siya ang kababata ko.
           Hindi siya ang kababata ko.

credits to: http://mamsha.tripod.com/id23.html