Ang pabula ay isa sa mga
sinaunang panitikan sa daigdig. Noong ika-5 at ika-6 na siglo bago si Kristo,
may itinuring nang pabula ang mga taga-India. Ang karaniwang paksa ng mga
pabula ay tungkol sa buhay ng itinuturing na dakilang tao ng mga sinaunang Hindu,
si Kasyapa. Lalong napatanyag ang mga ganitong kuwento sa Gresya. Si Aesop ang
tinaguriang “Ama ng mga Sinaunang Pabula” dahil sa napabantog niyang aklat, ang
Aesop’s Fable. Ang pabula ay isang maikling kuwentong kathang-isip lamang.
Karaniwang isinasalaysay sa mga kabataan para aliwin gayundin ang magbigay ng
pangaral.
Ang mga tauhan ng kuwento
ay pawang mga hayop. Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian o
paguugali ng tao. Ang ahas halimbawa ay karaniwan nang nangangahulugan ng isang
taong taksil. Ang pagong, makupad. Ang kalabaw, matiyaga. Ang palaka, mayabang.
Ang unggoy o matsing, isang tuso. Ang aso, matapat. Marami pang hayop ang may
ibang pagpapakahulugan. Sa mga bagay naman, ang rosas ay kumakatawan sa babae
at sa pag-ibig. Ang bubuyog sa isang mapaglarong manliligaw. Itinuturo ng
pabula ang tama, patas, makatarungan, at makataong ugali at pakikitungo sa
ating kapuwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na
ibinibigay nito.
credits to: http://hannaleahrabang.blogspot.com/
No comments:
Post a Comment