Ang pangatnig ay ang mga salita o lipon ng mga salita at
kataga na ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang
parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapwa pangungusap.
Dalawang pangkat ng Pangatnig:
1. nag-uugnay ng dalawang magkatimbang na
salita, parirala, o sugnay na kapwa makatatayong mag-isa.
(v at, saka, o, pati, ni, maging, ngunit, subalit, datapwat, pero)
At, saka, pati – ginagamit kung nais lamang nating
idagdag o isingit ang ikalawang salita o parirala o sugnay sa nauuna.
Hal. Masustansyang pagkain ang prutas at gulay.
O, ni, at maging - tinatawag na mga
pangatnig na pamukod sa dahilang pinagbubukod nito ang mga kaisipang ating
pinag-uugnay
Hal. Ni saktan ni pagalitan ay hindi ko ginawa
sa’yo.
Ngunit, subalit, datapwat, bagamat,
at pero – ay tinatawag na mga pangatnig na panalungat.
Sinasalungat ng ikalawang kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna.
Hal. Bata pa si Red subalit siya’y responsible na.
2. nag-uugnay ng di-magkatimbang na salita,
parirala, o sugnay.
Kung, kapag, pag, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, kung
gayon, at sana
Kung, kapag, at pag – pangatnig na panubali.
Hal. Uuwi ako kapag kasama ka.
Dahil sa, sapagkat, palibhasa – nagpapakilala ng
sanhi o dahilan; Tinatawag na mga pangatnig na pananhi
Hal. Palibhasa’y matalino, hindi nag-aaral sa Ben.
Kaya, kung gayon at sana – mga pangatnig na
panlinaw; 0 ginagamit upang bigyang –diin o linaw ang kaisipang
hatid ng sugnay na di-makapag-iisa.
Hal. Kung nag-aral ako, hindi sana ako bumagsak
credits to the owner
No comments:
Post a Comment