-Ang pinakamaliit
na unit ng makabuluhang tunog.
-Ang pag-aaral ng
ponema ay binubuo ng segmental at suprasegmental.
·
Segmental = ay ang tunay na tunog at
ang bawat tunog ay kinakatawanan ng isang titik sa ating alpabato.
·
Suprasegmental = ay ang pag-aaral ng
ng diin (Stress), tono (tune), haba (lengthening) at hinto
(Juncture).
1.Haba
* ito ay ang
pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat pantig.
* maaaring
gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.
* mga
halimbawa ng salita:
bu.kas
= nangangahulugang susunod na araw
bukas
= hindi sarado
2. Diin
*tumutukoy ito sa
lakas ng pagbigkas s isangpantig ng salitng binibigkas.
*maaring gamitin sa
pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
*Mga halimbawa ng
salita:
BU:hay
= kapalaran ng tao
bu:HAY
= humihinga pa
LA:mang
= natatangi
la:MANG
= nakahihigit; nangunguna
3. Tono
* nagpalilinaw
ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap
* Tulad ng
pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at mataas na tono.
* maaaring
gamitin ang blg. 1 sa mababa, blg. 2 sa katamtaman at blg. 3 sa
mataas.
* halimbawa ng
salita:
Kahapon
= 213, pag-aalinlangan
Kahapon
= 231, pagpapatibay
talaga
= 213, pag-aalinlangan
talaga
= 231,
pagpapatibay
4. Hinto
*ito ay ang saglit
na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang
mensahe.
*maaring gumamit ng
simbolo kuwit( , ), dalawang guhit na pahilis ( // ) o gitling ( - )
* mga
halimbawa ng salita:
Hindi,
siya ang kababata ko.
Hindi
siya ang kababata ko.
credits to: http://mamsha.tripod.com/id23.html
credits to: http://mamsha.tripod.com/id23.html
No comments:
Post a Comment