-ay ginagamit na pantulong sa pandiwang nasa panaganong pawatas.
Mga modal ang tawag sa salitang DAPAT, KAILANGAN, at BAKA.
1. Ang salitang DAPAT ay nagsasaad ng sapilitang pagpapatupad
ng Gawain.
Hal.
1.1 Dapat umiral ang katarungan sa isang bansang
demokratiko.
1.2 Dapat sumunod ang anak sa payo
ng kanyang magulang.
2. Ang KAILANGAN ay nagsasaad ng ibig o gusto, isang tiyak na
kilos o pagpapahayag na maaaring magkaroon ng kundisyon o maaaring
sapilitan.
Hal.
2.1 Kailangang magsikap kayo sa pag-aaral.
2.2 Kailangang magtulungan ang mag-asawa sa
pagtataguyod sa kanilang mga anak.
3. Ang BAKA ay nangangahulugang walang katiyakan ang bagay na
ipinapahayag.
Hal.
3.1 Baka hindi ka makapagpatuloy ng pag-aaral.
3.2 Baka lumubha ang iyong karamdaman.
credits to: http://szhayne.wordpress.com/wika/modyul-3-4-modal/
No comments:
Post a Comment